Wala pang ebidensiya na airborne ang Delta variant

SINABI ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang konkretong ebidensiya na magpapatunay na airborne ang Delta variant.

“With regards to this Delta variant being airborne, we still need to get sufficient evidence and confirmation from WHO. Although it has been shown on different studies na napakabilis na makapanghawa nitong Delta variant, in just seconds lang, nakakapanghawa na siya agad,” sabi ni Vergeire.

Idinagdag niya na kailangan pa rin ang mahigpit na pagsunod sa mga health protocol para makaiwas sa Covid-19.

“So, kailangan lang po nating laging isaisip iyan para tayo ay very cautious kapag po tayo ay lumalabas ng bahay or di kaya ay we are interacting with other people,” aniya.