NAGBABALA ang Department od Health (DOH) sa publiko na posibleng umabot ang kaso ng COVID-19 sa kalahating milyon sa kalagitnaan ng Mayo kung mananatiling kampante ang publiko.
Ayon sa mga health analysts malaki ang epekto ng pagsunod ng publiko sa minimum public health standards (MPHS) kaya napababa ang kaso ng coronavirus disease sa Metro Manila mula Marso hanggang Abril.
Naobserbahan ang 12-porsiyentong pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa mga nasabing buwan dahil sa pagtalima sa ipinatutupad na MPHS. Naitala naman ang pitong porsiyentong pagbaba ng kaso sa buong bansa.
Pero ngayong bumababa ang kaso ng COVID-19, marami na sa mamamayan ang nagiging kampante at hindi na sumusunod sa MPHS.
“Analysts determined that decreases in MPHS compliance could translate to large increases in the number of active cases,” sinabi ng DOH.
Sa loob ng Metro Manila, ang mga tinatayang 50-porsyento na pagbaba sa pagsunod sa MPHS ay maaaring humantong sa humigit-kumulang 25,000 hanggang 60,000 bagong mga kaso bawat araw.
Ito ang magdadala ng bilang ng mga aktibong kaso sa rehiyon sa halos kalahating milyon sa kalagitnaan ng Mayo, sinabi ng DOH. Ang Metro Manila at dose-dosenang iba pang mga lugar ay nasa ilalim ng pinakamaluwag na pandemic alert level hanggang Abril 30.