VIRAL: GITGITAN SA BIGAYAN NG AYUDA

Trending sa social media ang kumpulan ng mga residente sa Batasan Hills sa Quezon City para kumuha ng P1,000 ayuda na ipinamimigay ng pamahalaan.

Sa isang video na inilabas ng isang netizen, sandamakmak ag nagkakagitgitan ang mga taong nakapila habang nakaabang sa pagkuha ng ayud.

Aniya ng netizen, nakuha niya ito dahil sa mismong tapat ng bahay nila ang mahabang pilang nakita sa video.

Kita rin sa video na hindi maayos ang pagkakasuot ng mga face shields ng mga residente.

May mga pulis na nagbabantay at sumisita para masunod ang social distancing subalit hindi rin nila ito makontrol.

Ayon sa post, kaya lalong lumalaki ang kaso ng COVID-19 sa QC dahil sa ganitong sistema ng pamimigay ng ayuda.

Ayon sa mga balita, Miyerkules pa ng gabi nakapila ang ilan sa mga residente rito na nag-aabang ng kanilang ayuda.

Kamakailan ay inanunsyo ng pamahalaan na magbibigay ito ng ayuda sa mga lugar na muling isinailalim sa Enhanced Community Quaratine, kabilang dito ang National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.