Vaccination slot for sale, scam?

IPINAG-UTOS ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang mga ulat ukol sa umano’y bentahan ng slots sa pagbabakuna sa San Juan at Mandaluyong.


Sa panayam, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na inatasan na ni Secretary Eduardo Ano ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Anti-Cyber Crime Group, at National Capital Region Police Office (NCRPO) na busisiin ang mga akusasyon.


“We received that report yesterday na meron diumanong nagbebenta ng bakuna o ‘yung slot nila and we immediately directed the Philippine National Police na imbestigahan kaagad-agad itong reports na ito dahil this is illegal. Ito pong mga bakuna na galing sa ibang bansa. These are procured by government, so hindi po ito pwedeng ibenta. Nkakabahala talaga itong modus,” ani Malaya.


Idinagdag ng opisyal na mahaharap sa patong-patong na kaso ang mga empleyado at opisyal na mapapatunayang nakikipagkuntsabahan para ibenta ang mga bakuna kontra Covid-19.


“Possible kasi na scam lang ito, kasi people are pretending na meron silang access sa ganito. Ang dami sa ating mga kababayan, naloloko nga sa online selling so posible ring this is a scam na wala namang talaga, but we are not discounting anything,” dagdag ni Malaya.