Vaccination sa 5-11 years old sisimulan sa Pebrero

SISIMULAN sa Pebrero ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease sa mga batang may edad 5 hanggang 11.

Ito ang sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kasabay ang pagkumpirma na darating na sa bansa ang reformulated doses ng Pfizer na gagamitin sa mga batang edad 5 hanggang 11 bago matapos ang Enero.

“Ang delivery na expected ay Pfizer. In-advance nila ang delivery na instead of February ay ginawang last week of January,” sabi ni Galvez.

Aniya, target na masimula ang mini rollout mula Pebrero 1 hanggang 7.

“Planado na po kami sa children vaccination kasi isa ‘yun sa main objectives natin kasi gusto po nating makapag-open na ng classes at ma-lift ang restrictions sa mga bata,” aniya.