Vaccination card kailangan sa Manila-Bulacan border

KAILANGANG magpakita muna ng vaccination card ang mga residente bago papasukin sa Maynila at Bulacan sa gitna ng pagsipa sa mahigit 17,000 ng mga bagong kaso ng Covid-19.


Ani PNP chief Gen. Dionardo Carlo, inatasan ng mga lokal na pamahalaan ng Metro Manila at Bulacan ang pulisya na i-require ang proof of vaccination ng mga papasok sa dalawang lugar.


“Those without vaccination cards will be barred from entering and will be asked to go back,” ani Carlos.


Dahil sa polisiya, sinabi ng opisyal na nagkabuhol-buhol ang trapiko sa Bulacan.


“This was only because of the strict inspection measures to curb the possible spread of the coronavirus by the PNP,” paliwanag ng opisyal.


“The PNP is fully aware that movement must not be hampered, but non-essential travel can be controlled,” dagdag niya.


“Just stay at home at this time when you have nothing important to do outside,” dagdag niya.


Kapwa nasa ilalim ng alert level 3 ang National Capital Region at Bulacan.