INATASAN ni Pangulong Duterte ang mga kapitan ng barangay na hanapin ang mga hindi bakunado at tiyaking nasa loob lamang sila ng bahay.
“I’m now giving orders to the barangay captains to look for those persons who are not vaccinated and just request them — or order them if you may — to stay put. If he refuses and goes out of the house, around in the community or wherever pumunta, he can be restrained,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Huwebes ng gabi.
Idinagdag ni Duterte na hindi dapat mag-alangan ang mga tao na magpabakuna sa harap ng lumulobong bilang ng kaso ng coronavirus disease at banta ng Omicron variant.
“I was appalled to see on TV the other the day that there are still thousands in Metro Manila lining up for their jabs. Ganito sa kanila — they are willing, but nagpo-procastinate sila. That’s the problem, procrastination,” aniya.