SINABI ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na posibleng bumaba ang bilang ng mga walang trabahong Pilipino sa pagbaba sa Alert level 1 ng Metro Manila at iba pang lugar.
“This will really lessen our unemployment level. This means more employment by maximizing operational capacity,” ayon kay Lopez. Inaasahan na mahigit sa 800,000 trabaho ang maitatala sa ilalim ng bagong alert level.
Ayon kay Lopez, ang layunin ngayon na maabot ng bansa ang unemployment rate na mas mababa sa kung ano ang mayroon ito bago ang pandemya.
Nais ng pamahalaan na maibaba ang unemployment rate sa 5 porsyento, ang siyang naitala bago pa pumutok ang pandemya.
“From where we stand right now on the unemployment rate, around 800,000 who lost their jobs can now return to work through increased economic activities and increased investments,” ani Lopez.
Noong nakaraang Linggo, isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Metro Manila at 38 iba pang lugar sa Alert Level 1 na simula ngayong araw, Marso 1.