MULING pinalawig ni Pangulong Duterte ang travel ban sa 10 bansa dulot na rin sa patuloy na banta ng coronavirus disease Delta variant.
Inaprubahan ni Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang travel restriction sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula Agosto 16 hanggang Agosto 31, 2021.
Samantala, pinayagan ng IATF ang mga edad 65 pataas na lumabas ng kanilang mga tirahan para makapaghain ng kani-kanilang certificates of candidacy para sa eleksyon sa 2022 na magsisimula sa Oktubre.
“Also approved is the request of airlines to resume international transit hub operations. These international transit hub operations shall be limited to airside transfers between Terminals 1 and 2, and within Terminal 3 of the Ninoy Aquino International Airport, and further limited for countries/jurisdictions/territories in the Green List,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.