UNTI-UNTI nang bumabalik ang trabaho para sa mga seafarers ngayon na mataas na ang vaccination rating sa kanilang hanay, ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Bumagsak sa 252,000 ang bilang ng mga Pilipinong marino noong 2020 simula nang magkaroon ng pandemya mula sa 470,000 na naitala noong 2019.
“But at the growing rate the national and local government units are now vaccinating our seafarers, we are optimistic that we can reach our target number of Filipino seafarers completely vaccinated and ready for redeployment by the end of 2021,” ayon kay TUCP President at partylist Rep. Raymond Mendoza.
“We will continue to work with the national and local governments to provide more jabs for our seafarers in their vaccination program,” dagdag pa nito.
Bago pa ang pandemya, nakapagpa-deploy ang bansa ng average 400,000 Filipino seafarers kada taon para makapagtrabaho sa 51,400 merchant ship sa buong mundo.
Ayon sa International Transport Workers Federation (ITF), ang mga Pilipinong seafarers ang “backbone” ng global shipping industry, kung kayat umaasa ang TUCP na mas marami pang marino ang mababakunahan sa lalong madaling panahon.