Target na 77M Pinoy na fully vaccinated hindi maaabot- Cabotaje

BIGO ang administrasyong Duterte na abutin ang target nito na mabakunahan ang 77 milyong Pinoy sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, 2022.

“Hindi na maaabot yung 77 millyon, yun yung 70 percent ng 111 million population,” sabi ni Cabotaje sa panayam ng DZBB.

Idinagdag ni Cabotaje na umabot pa lamang ang fully vaccinated na Pinoy sa 70.3 million.

“We are calibrating our target. About 10 million are abroad, yung below five (years old), hind pa mababakunan, na sinama sa estimate ng Philippine Statistics Authority (PSA).