Taga-NCR Plus pwede nang mag-chill sa Bora

BUKAS na sa mga taga-NCR Plus ang Boracay, ayon sa lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan.


Sa Facebook post, sinabi ng Malay Tourism Office (MTO) na pwede nang magpunta sa Boracay ang mga residente ng Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15.


Nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ang nasabing mga lugar.


“If NCR+ becomes plain GCQ after June 15, it would be a continuous takeoff. If NCR+ goes up again to MECQ, it may stop leisure movements again,” ayon sa MTO.


Maaari ring makabisita sa isla, dagdag nito, ang mga residente ng mga lugar kung saan umiiral ang GCQ at modified GCQ.