KUNG hindi sana nag-party-party ang mga Pinoy ay hindi sana lumobo ang kaso ng Covid-19 sa bansa, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.Giit ni Lopez, hindi dapat isisi sa pagbubukas ng ekonomiya noong huling bahagi ng taon ang pagdami ng mga may sakit. “It did not lead to a significant increase in COVID-19 cases,” aniya sa panayam sa radyo.
Paliwanag niya na dahil sa lockdown fatigue ay marami ang lumabas at nakipag-party sa mga kamag-anak at kaibigan.”Pwedeng wala na silang mask all throughout (the party). Nagkainan, nag-inuman na. Maraming ang ganyang activities talaga, dumami ‘yan, kaya talagang dumami rin ang cases ngayon,” dagdag ni Lopez.