DAPAT mag-imbak ng mga antivirals sa mga ospital bilang paghahanda sa mga moderate at severe COVID-19 cases kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing opsyonal na lamang ang pagsusuot ng face mask.
“We need to take this with a grain of salt. With the lifting of the mask mandate, it is imperative that the Department of Health preposition antivirals so that the burden of health expenditure for moderate and severe cases will not be passed on to the people,” ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin.
Sinabi ni Garin na bagamat pabor siya sa opsyonal na mask policy, iginiit niya na dapat ipatupad oto kapag nasa 70 porsiyento na ang target na populasyon ang nakatanggap ng booster shots laban sa COVID 19.
Sa datos ng DoH, nasa 17 milyon pa lamang o 21.76 porsiyento ng populasyon ang nakatanggap ng booster shot.