SINABI ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na pinayagan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbabakuna sa mga batang 6 hanggang 11 anyos gamit ang Sinovac.
Idinagdag ni Cabotaje na nabigyan na ng emergency use authorization (EUA) ang Sinovac ng FDA.
“Kaya ngayon ginagawa na natin iyong implementing guidelines with inputs from our experts ‘no, gagamitin na natin iyan for 6 years and above,” sabi ni Cabotaje.
Idinagdag ni Cabotaje na isinasapinal na ang pantuntunan para sa paggamit ng Sinovac para sa mga bata.
“Parang pareho din sa paggamit natin ng five years and above, kailangan titingnan natin mabuti kasi ang nasa EUA ng Sinovac are for healthy individuals, healthy children so baka hindi kasama iyong ating mga with comorbidities,” aniya.