INATASAN ng Department of Interior and Local Government na magpaliwanag ang ilang alkalde na sumingit sa pila para maturukan ng bakuna kontra Covid-19.
Isang show cause order ang inisyu ng kagawaran laban kina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez; Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato; Sulpicio Villalobos ng Sto. Niño, South Cotabato; Noel Rosal ng Legazpi City, Albay; Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan; Elenito Peña ng Minglanilla, Cebu.
Sa biglaang public address ni Pangulong Duterte Martes ng gabi, nagpahayag ito ng pagkadismaya sa ilang alkalde at artista na “sumingit sa pila” ng mga binabakunahan kontra-Covid-19.
Sa kanyang Talk to the People kagabi, sinabi ni Duterte na pananagutin ang mga politikong inuna ang sarili sa vaccination program ng pamahalaan.
Si Mark Anthony Fernandez ang tinutukoy ng pangulo na artista na “nakipag-unahan” sa bakuna.