NILIWANAG ng Palasyo na ang nakatakdang second booster shot para sa mga senior citizen at healthcare workers ay hindi dahil sa banta ng posibleng muling pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 ngayong Mayo kundi dahil sa humihinang proteksyon ng mga vaccine.
The second booster dose recently approved by Food and Drug Administration and being planned for by the National COVID-19 Vaccination Operations Center is our scientific response to waning immunity,” sabi ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar.
Nauna nang nagbabala ang mga eksperto na tataas ang mga kaso ng Covid-19 sa kalagitnaan ng Mayo 2022.
“Our goal is to reinforce the shield that will protect us from any variants already here and that might come in later on. Prevention is better than cure,” dagdag ni Andanar.
Nanawagan naman si Andanar sa publiko na sumunod sa umiiral na health protocol.
“As experts warn of an uptick in cases, we must continue to adhere to minimum public health standards such as wearing of masks, washing of hands, observing physical distancing and ramping up vaccination/getting booster shots,” aniya.