NAGSIMULA na ang Manila local government sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) sa mga naapektuhan ng ipinaiiral ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Mayor Isko Moreno, natanggap ng lokal na pamahaalan ang P1,523,270 pondo mula sa national government noong Lunes.
Inuna ni Moreno ang pamimigay ng ayuda sa Brgy. 659 sa Baseco, Port Area, kung saan nasa 19,703 ang nabiyayaan.
“Kailangang maibigay agad ang ayuda lalo na’t maraming nawalan ng kabuhayan sa gitna ng ECQ,” ani Moreno.
Magpapatuloy sa susunod na mga araw ang pamimigay ng ayuda sa iba pang distrito ng siyudad.