Sa banta ng Delta variant, bata hindi uli palalabasin

DAHIL sa pinangangambahang pagkalat ng mas nakahahawang Delta variant ng Covid-19, pinag-aaralan na ng mga otoridad kung muling pagbabawalan ang mga bata na may edad lima hanggang 17 na lumabas ng bahay.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangangamba ang kagawaran na baka madale ng Delta variant ang mga bata bunsod ng ginawang pagluluwag ng pamahalaan.


Sinabi ni Vergeire na nakatakdang gumawa ng assessment ang DOH sa mga restriction na pinaiiral bago magbigay ng rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).


“Kailangan po nating pag-aralan, of course. Because there is another factor that has to be considered, kung saan naka-detect tayo ng Delta variant,” ayon sa opisyal.


“Ito pong mga ganitong pagkakataon or mga restrictions na ito, pag-uusapan po iyan lahat and we will be monitoring closely and continuosly assess para po makakapag-rekomenda tayo sa IATF,” dagdag niya.


Ngayong linggo ay pinayagan ng IATF ang mga bata na lumabas at makapasyal sa mga park at al fresco restaurants.