Responsable sa hawahan ng Covid-19 sa seminar parurusahan –DepEd

deped meeting

MAY NAKATAKDANG parusa ang Department of Education sa mga kawani nito na lumabag sa health protocols nang dumalo sa mga seminar na nagresulta sa pagdami ng kaso ng Covid-19.


Sa kalatas, iginiit ng DepEd na hindi nito aprubado ang mga face-to-face activities na ginanap kaugnay sa In-Service Training at iba pang seminar sa Zambales sa mga unang araw ng buwan.


“Appropriate disciplinary actions against authorities who breached the protocols will be taken once the investigation is finalized,” dagdag ng DepEd.


Aabot sa 49 kawani ng Zambales Schools’ Division Office ang nagpositibo sa Covid-19 makaraang dumalo sa dalawang magkahiwalay na seminar noong Marso 1-6 at Marso 9-13 sa mga beach resort sa Zambales.
Nahawahan din ng virus ang pitong empleyado ng mga beach resorts kung saan ginawa ang mga training.
Nasa 390 kawani ng DepEd ang dumalo sa mga seminar.