MAGIGING available ang booster shot para sa COVID-19 sa ilang piling mga botika sa Metro Manila sa Enero 20 at 21.
Sisimulang ng gobyerno ang pilot program na “Resbakuna sa mga Botika” sa pitong botika at clinic. Layunin nito na higit pang mapalawak ang mass vaccination ng pamahalaan at ma-address ang problema sa shortage ng vaccinators, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.
Ang mga botika at clinic na kabilang sa pilot program ay ang Healthway Manila, Mercury Drug Manila-Malate, President Quirino branch, South Star SSD Marikina branch, Watsons SM Supercenter Pasig, Generika Signal 1 Taguig branch, TGP Parañaque branch, and Qualimed Mckinley, ayon naman kay acting Spokesmang Karlo Nograles.
Tiniyak naman ni Dr. Beaver Tamesis, pangulo ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines na ang mga pharmacists ay well-trained sa pag-aadminister ng bakuna.
“They are prepared and they’ve been waiting for this opportunity to help the national effort in curbing the spread of COVID-19,” pahayag ni Tamesis.