PINAYAGAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) Miyerkules ng gabi ang paggamit ng rapid antigen tests para sa mga gustong bumiyahe papasok ng Pilipinas.
Kasabay nito, pinayagan na rin ang COVID-19 vaccination certificates mula sa Bangladesh, Mexico, Panama at Slovak Republic.
Inatasan din ng IATF ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation – One-Stop-Shop at Bureau of Immigration na tanging ang mga inaprubahan ng task force na katibayan ng vaccination ang kilalanin ng mga ito.
Rapid antigen test pwede na sa inbound passengers
