ISINULONG ng OCTA Research Group ang random test sa pampublikong transportasyon, partikular sa Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR) sa harap ng kumpirmadong kaso ng Omicron subvariant na XBB at XBC.
Sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na posible rin ang pagtaas ng bilang ng mga naoospital dahil sa mga bagong subvariant.
“I think we could do something similar back in January when the Department of Transportation did a random antigen testing. Most antigen tests don’t get reported to the central database. We are not really seeing the clear picture about the numbers,” sabi ni David.
Sinuportahan din ni David ang pagbili ng mga bivalent vaccine para maprotektahan ang mga Pinoy laban sa mga bagong variant.
Nauna nang kinumpirma ng Department of Health (DoH) na 81 kaso ng Omicron subvariant XBB ang naitala sa dalawang rehiyon at 193 kaso ng XBC naman sa 11 rehiyon sa bansa.