MANANATILING sarado ang Quiapo church hanggang Enero 26 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Quiapo parish priest Msgr. Hernando Coronel, nagsimulang isara ang simbahan noong Enero 13.
Gayunman, magpapatuloy pa rin ang online masses, dagdag pa ni Coronel.
Sinabi naman ni Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, ang pagsasara ng simbahan ay para bigyaang daan ang disinfection matapos tamaan ng COVID-19 ang ilang staff nito.
“For sanitation, and for sensitivity na din dahil sa pagtaas ng cases, inaalala din namin ang staff at volunteers namin ang nagkaka-COVID,” aniya ni Fr. Badong.
“Pwede naman pong mas iklian kapag bumaba pa ang kaso sa mga susunod na araw,” dagdag pa niya.