PINAYAGAN ng Inter Agency Task Force na magkaroon ng religious gatherings sa loob ng simbahan isang beses kada araw sa buong singkad ng Semana Santa.
Pero yon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hanggang 10 porsyento lamang ang papayagan na kapasidad sa mga simbahan.
“Para sa gustong magsimba ngayong Semana Santa, pinayagan po ng inyong IATF ang once-a-day religious gatherings mula a-uno hanggang a-kwatro ng Abril,” ani Roque.
Pinaalala niya na kailangan pa ring sumunod sa minimum health protocols ang mga magsisimba.
“Bawal naman ang pagtitipon-tipon o pagsasagawa ng religious activities sa labas ng simbahan o venue,” dagdag ni Roque.