Pulis ‘di basta-basta manghuhuli ng lalabag sa lockdown protocols


SINIGURADO ni Philipine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar na hahabaan ng mga pulis ang kanilang pasensya sa pagpapatupad ng mga health protocols sa Metro Manila.


Sa isang panayam, sinabi ni Eleazar na hindi agad-agad manghuhuli ang kanyang mga tauhan ng mga lalabag sa alituntunin.


“Kung talagang insisting ang mga ‘yan lalo na kung meron talagang disobedience, obstruction and related criminal offenses then we will arrest them,” giit ng opisyal.


Sinabi niya na pagbabawalan lamang na makadaan sa checkpoint ang mga hindi Authoritized Person Outside Residence (APOR) habang ipatutupad naman ang lokal na ordinansa sa mga lalabag sa health protocols at sa utos na manatili muna sa bahay.


“But basically maximum tolerance. We will respect the rights of each citizens,” aniya.


Mula ngayon hanggang sa Agosto 20 ay nasa ilalim ng ECQ ang Metro Manila at ilang mga probinsya upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng Covid-19. –A Mae Rodriguez