NAGBABALA ang isang grupo ng mga doktor sa harap ng bagong COVID-19 variant na nadiskubre sa South Africa.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Philippine College of Physicians president Dr. Maricar Limpin na dapat maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagtanggap ng mga turista na galing ibang bansa.
“Well, it raises a lot of concern dahil alam naman natin na marami tayong mga kababayan, na nanggagaling sa iba’t ibang bansa at ngayong Pasko, nag-uuwian yan hanggang January. That means, we are actually opening our doors to the possibility na makapapasok yan sa ating bansa, yang iba’t ibang variants na yan…,” sabi ni Limpin.
Naglabas na ng travel ban ang United Kingdom sa anim na bansa sa South Africa matapos ang kumpirmasyon sa bagong variant.
“Ang description ng isang scientist, ‘horrific’, ibig sabihin medyo malaking pag-aalala ang ibibigay nito sa atin,” dagdag ni Limpin.