PNP chief nadale ng Covid-19

POSITIBO si Philippine National Police chief Gen. Dionardo Carlos sa Covid-19.


Ani Carlos, sumailalim siya at ang kanyang close-in na security at staff sa RT-PCR testing nitong Linggo ng gabi matapos magpositibo sa sakit ang isang staff member ng “White House,” ang opisyal na tirahan ng PNP chief.


Sinabi ng opisyal na siya, kanyang driver, at isang aide na magkakasama sa isang van Linggo ng umaga ay pawang positibo sa virus.


“I experienced fever, chills and body sweats Sunday evening but come Monday, only lower back pain remains,” aniya.


Sinabi niya na ang kanyang pinakahuling body temperature ay nasa 37.1 degrees Celsius. Wala naman siyang ubo at umiinom na ng gamot.


Idinagdag ni Carlos na pinayuhan siya ni Interior Sec. Eduardo Año na magpahinga muna.


Nitong Martes, mayroon nang 164 na aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP. –A. Mae Rodriguez