Pinoy pwede pabakuna kahit saan sa Pilipinas

PAPAYAGAN ng pamahalaan ang mga Pilipino na magpabakuna kontra Covid-19 sa alin mang dako ng bansa, ayon sa Department of Health (DoH).


“Ibig sabihin, kung ikaw ay nagpunta sa Davao at ikaw ay puwede nang bakunahan, puwede ka bakunahan doon kahit hindi ka taga-Davao,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


“Hindi po natin sinasara ang ating mga pinto sa mga bakunahan dahil lang hindi ka taga-roon na lugar,” dagdag niya.


Inatasan naman ng DoH ang mga lokal na pamahalaan na huwag bakunahan ang mga walk-in o ‘yung walang schedule.


Ani ni Vergeira, dahil sa mga walk-in ay dumadami ang mga tao sa vaccination sites na maaaring magresulta sa hawahan. –WC