HALOS kalahati ng populasyon ng Pilipinas ang gusto nang magpabakuna kontra Covid-19, base sa survey ng Pulse Asia.
Mula sa 16 porsyento noong Pebrero, pumalo na sa 43 porsyento ang bilang ng mga Pinoy na nais maprotektahan laban sa nakahahawang sakit.
Samantala, nasa 36 porsyento ang ayaw pabakuna, 16 porsyento ang nag-iisip pa, at limang porsyento ang nabakunahan na.
Pinakamarami sa mga respondents na nagsabing nais mabakunahan ay mula sa Metro Manila (55 porsyento) at Mindanao (48 porsyento).
Sumusunod ang Visayas (39 porsyento,) at Balanced Luzon (38 porsyento).
Isinagawa ang survey noong Hunyo 7 hanggang 16.