INANUNSYO ng Palasyo na maaari nang pumasok sa Pilipinas ang lahat ng fully vaccinated na mga banyaga simula Abril 1, 2022.
Aprubado ng Inter-Agency Task Force ang nasabing aksyon, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Michel Kristian Ablan.
Gayunman may mga kondisyon na ibingay ang pamahalaan para makapasok sa bansa.
“These foreign nationals must also present a negative RT-PCR test taken within 48 hours or a negative laboratory-based antigen test taken within 24 hours, prior to the date and time of departure from the country of origin/first port of embarkation in a continuous travel to the Philippines, excluding lay-overs adding that he/she has not left the airport premises or has not been admitted into another country during such lay-over,” sabi ni Ablan.
Aniya, kailangan ding may insurance at return ticket ang mga turista sa loob ng 30 araw.