INIULAT kagabi ni Health Secretary Francisco Duque na nasa low risk classification na ang buong bansa sa harap nang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19).
“The country is at low risk classification. Meanwhile, may apat na regions at moderate risk. Pero ang ating healthcare utilization rates ay nasa low to moderate risk levels, pero mas marami na po ang nasa low risk healthcare,” sabi ni Duque sa kanyang ulat sa Talk to the People.
Idinagdag ni Duque na nitong Lunes nakapagtala na lamang ng 2,730 kaso ng Covid-19 sa buong bansa.
“Ang atin pong seven-day moving leaverage naman ang positivity rate po natin nasa 13.7 at ito po ay bumababa din…Samantalang ang ating national utilization rates as of yesterday ay nasa low risk at 28.5 percent ng bed utilization, samantalang ang ICU bed utilization nasa 34.1 percent,” aniya.
Nauna nang nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na panatiliin ang Alert Level 2 sa Metro Manila hanggang katapusan ng buwan.
“Ang Top 3 regions naman na mayroon pong naiambag sa ating caseload for today: ang NCR – 485; Region IV-A – 345 cases; samantalang ang Region VII at [294]. Ang Top 3 cities and provinces would be: Cavite – 117; Iloilo – 114; Quezon City at 108,” ayon pa kay Duque.