UMABOT sa 28,707 ang bagong kaso ng coronavirus disease ngayong araw, Enero 9, ang pinakamataas na tala simula nang mag-umpisa ang pandemic, ayon sa report ng Department of Health (DOH).
Dahil dito umabot na sa 128,114 ang active cases. Ito ay bunsod sa patuloy na pagtaas din ng positivity rate na 44 percent sa 77,479 tests na kinuha.
Nananatili ang Metro Manila ang siyang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na may kabuuang 16,803 at sinundan naman ng Region 4-A na merong 5,821 at Region 3 na 2,841.
Umabot na sa 2,965,447 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 ang naitatala sa bansa.