PH nganga pa rin sa Russian vaccine

KINUMPIRMA ng Palasyo na ipinagpaliban muli ang pagdating ng 15,000 doses ng Russian Sputnik V na nakatakda sanang dumating ngayong araw.


“We confirm that logistical challenges resulted in the delay of the arrival of 15,000 trial order of Sputnik V,” ani presidential spokesperson Harry Roque.


“Vaccine czar Carlito Galvez has taken steps to address these challenges and aims to receive the initial order of the Russian in the month of May instead,” dagdag ni Roque.


Noong Abril 25 unang inasahang ang pagdating ng mga bakuna.


Paliwanag ni Roque, nabalam ang pagdating ng mga bakuna dahil walang direktang flight mula sa Russia.