PH nanghihingi ng bakuna sa US

INAMIN ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na humihingi siya sa US ng sobra nitong bakuna kontra-Covid-19.


Ani Romualdez, sumulat siya kay US President Joe Biden para maambunan ang Pilipinas ng bakuna mula sa AstraZeneca.


Sinagot na rin umano siya ng White House na pinag-aaralan na nito ang hiling.


Paliwanag ng opisyal, hindi lang ang Pilipinas ang nakikiamot ng sobrang bakuna mula sa US.


“The good thing is nauna na tayo from other countries. Malaki ang tulong ng Filipino-Americans dito. Sila mismo sumulat sa White House and all of that has been acknowledged,” sabi niya sa panayam ng ABS-CBN.


Inanunsyo rin niya na inaasahan na ang pagdating ng bakuna ng Moderna sa bansa sa Hunyo 15 habang sa Mayo o Hunyo ang dating ng bakuna ng Pfizer.