UMAKYAT sa ika-33 puwesto ang ranggo ng Pilipinas sa Covid response mula sa pagiging kulelat dahil na rin sa mababang kaso ng mga tinatamaan ng virus, batay sa ulat ng Japanese-based na Nikkei.
Ayon sa Nikkei COVID-19 Recovery Index, ang resulta ay batay sa ginawang pag-aaral sa 121 bansa.
Sa ulat ng Nikkei na ipinalabas noong Hunyo 3, pinuri nito ang Pilipinas at Vietnam matapos mapababa ng mga ito ang kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang bansa.
Umaasa naman si Health Secretary Francisco Duque III na itutuloy ng susunod na administrasyon ang mga programa ng pamahalaan kontra COVID-19.
“This remarkable recovery reported by independent external observers is being balanced by safety protocols managed by the Department of Health (DoH) and our partners,” sabi ni Duque.
Nanguna sa COVID response ang Qatar, Cambodia, United Arab Emirates, Rwanda a Kuwait.