MAGBIBIGAY ang Pilipinas ng $1 milyong donasyon sa COVX facility ng World Health Organization.
Ito ang inihayag Lunes ng gabi ni Pangulong Duterte sa regular niyang Talk to the People.
“They have asked the Philippines formally for a donation. Ako, that is 1 million dollars, that’s about 50 million pesos. Magko-contribute po ako kasi napakabuti ng COVAX sa atin. At the time we needed it most, one of the earliest agencies to help us aside from the contributions made by China,” sabi ni Duterte.
Anya ito ay bilang tugon na rin sa tulong na ibinigay ng WHO.
Ang Pilipiinas ay isa sa mga benepisyaryo ng mga bakunang ipinamamahagi ng COVAX facility.
“We were recipients of COVAX vaccines many times and it has helped a lot in our desire to vaccinate Filipinos. Ngayon sila naman ang nagkulang ng pera, maybe because they are helping other nations all over the world. And as — well, as a beneficiary of the generosity of COVAX and their desire also to help people, we will answer their pleadings of donation,” ayon pa kay Duterte.