NABIGONG makamit ng Pilipinas ang target nito na tatlong milyong mababakunahan kada araw sa National Vaccination Day matapos makapagtala lamang ng 2.55 milyong naturukan ng bakuna.
Iginiit naman ni Vaccine czar Carlito Galvez na mas doble pa rin ito kumpara sa normal na bakunahan sa buong bansa.
“The major uptick in our country’s vaccination rate is a testament of our bayanihan spirit, which is a collaborative effort between the national line agencies, LGUs (local government units), private sector organizations and of course, our citizens,” sabi ni Galvez.
Base sa datos mula sa National Vaccination Operations Center, nakapagtala ng 2,554,023 doses ng bakuna na naiturok nitong Lunes.