Pasaway na Covid positive kakasuhan ng murder–Digong


APRUB kay Pangulong Duterte ang mungkahi ni chief presidential legal counsel Salvador Panelo na kasuhan ng murder ang mga pasaway na positibo sa Covid-19.


Sa pulong sa Malacañang, sinabi ni Panelo na dapat parusahan ang mga lumalabag sa health protocols ng gobyerno.


“Kung alam niya (na positibo siya sa virus) at pumunta siya sa isang lugar at may namatay, iyan po ay sadyang pagpatay.

Iyan po ay papasok sa murder sapagkat intentional,” ani Panelo.


Umayon naman si Duterte sa mungkahi ni Panelo.


“It is possible. If he knows that he is sick with Covid-19, and he goes about nonchalant, papasyal pasyal ka lang diyan. It could be murder,” ayon sa Pangulo.


Maliban sa murder, sinabi ni Panelo na kakasuhan din ang mga sumusuway sa health protocols ng resistance or disobedience to authorities at paglabag sa RA 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.


Sa kasalukuyan ay mahigit 1,000 na ang nakakasuhan sa korte dahil sa hindi pagsusuot ng face mask, pagdalo sa mass gathering at pagbabalewala sa social distancing. –WC