UPANG mapabilis ang pagbabakuna kontra-Covid-19, hindi na isasama sa proseso ang pagkuha sa vital signs, ayon sa Department of Health (DOH).
Ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, inaprubahan ng kagawaran ang rekomendasyon ng Philippine Society of Hypertension at Philippine Heart Association na tanggalin na ang vital signs screening.
Sa bagong guidelines, ang babantayan na lamang ng health workers ay ang may alta-presyon at may pinsala sa mga organs.
“There (will) be a separate lane para dito sa mga taong gusto nating obserbahan because of their established history ng kanilang mga sakit para hindi sila nakakadagdag do’n sa pila,” paliwanag ni Vergeire.
Aniya, lumabas sa pag-aaral ng DOH na humahaba ang pila sa mga vaccination centers dahil sa vital signs screening at sa mga “walk-in.”
“Marami sa ating kababayan ay very eager magpabakuna. Kahit hindi sila ‘yung scheduled for that day, they go to the vaccination sites,” sabi ni Vergeire