Para makabiyahe, bakunado kailangan pa rin ng negative test result–DoH

KLINARO ng Department of Health na kailangan pa ring magpakita ng negative test result bago makabiyahe ang isang indibidwal na nakakumpleto na ng bakuna.


Ayon sa kagawaran, mananatili pa rin ang Resolution No. 101 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) habang wala pang polisiya sa paggamit ng vaccination card.


“While the IATF has said that vax cards may be used in lieu of the testing requirements, as we iron out operational concerns, IATF Reso 101 remains in effect. This means that the LGU can still require testing as a requirement to entry,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Status quo po tayo.”


Bago ito, maraming lokal na pamahalaan ang umalma sa sinabi ng mga otoridad na pwede nang gumala ang mga indibidwal na nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna.


Tanging mga siyudad ng Baguio at Davao ang pumayag na hindi na kailangan pang magpakita ng negative test result ang mga fully-vaccinated na turista.