HINIMOK ng pamahalaan ang publiko na magpa-booster shot na kontra-Covid-19 upang maiwasan ang posibleng muling pagdami ng kaso ng nakahahawang sakit.
Giit ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng technical advisory group ng Department of Health, mayroong posibilidad na magkaroon muli ng surge sa kaso ng Covid-19.
“Ang Covid naman surprises ang pinakita sa ‘tin. Important na gamitin pa rin natin ‘yung mga tools na alam nating gumagana para masugpo ang Covid-19. Lalong lalo na sa di pa nagpapa-boost at 3 months na. If you’re above 18 years old magpa-boost na po tayo,” ani Salvana.
Base sa datos, nasa 11.2 milyon lamang sa 64.66 milyon na bakunado ang mayroong booster shots.
“We have tools which we have turned COVID almost an endemic virus. Kung mapapagpatuloy pa natin to, wala na pong bagong variant na lumabas, tuloy-tuloy na po ‘yan towards endemicity,” sabi ni Salvana.