Para di magkagulo brand-conscious na Pinoy, vaccine name di iaanunsyo sa jab site

UPANG hindi na magkumpulan sa mga vaccine sites ang mga Pinoy na may kinikilingan na vaccine brand, nagdesisyon ang Department of Health na huwag nang ianunsyo kung anong brand ang gagamitin.


Ginawa ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje ang suhestiyon makaraang dumugin ang mga vaccination centers kung saan ang itinuturok ay ang bakuna mula sa US pharmaceutical giant Pfizer.


“Maybe one of the strategies that can be made is hindi na ia-announce kung anong bakuna ang ibibigay.

Kung gusto ninyo magpabakuna, pumunta kayo sa ganitong facility o kaya vaccination site tapos kung ano ‘yung bakuna na available, iyon ang dapat kunin nila,” ani Cabotaje.


“Kung anong bakuna ang available, dapat kunin mo na. That will help the flow,” dagdag ng opisyal.


Ipinaliwanag niya na polisiya ng kagawaran na kung ano ang available na bakuna, iyon ang ituturok.


“Walang right of refusal. Kung ano ‘yung vaccine kunin mo, kapag hindi mo kukunin, then you go down the end of the line,” aniya pa.