DUMATING kagabi sa bansa ang panibagong 1,017,900 doses ng Pfizer na bahagi nang binili ng pamahalaan.
Lumapag ang Air Hong Kong na may dala ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-8 ng gabi.
Sinalubong ang mga bakuna ni December 9, 2021 National Task Force against COVID-19 head of strategic communications on current operations Assistant Secretary Wilben Mayor; US Embassy Counselor for Economic Affairs David ‘Chip’ Gamble, at Health Undersecretary Ma. Carolina Vidal-Taiño.
Ngayong umaga inaasahang darating ang 2,948,000 doses ng Moderna vaccines. Kabilang dito ang 2,102,000 doses na binili ng pamahalaan at 846,000 doses na binili ng pribadong sektor.