Panibagong 1.06M doses ng Pfizer dumating

DUMATING Biyernes ng gabi ang karagdagang 1,068,210 doses ng Pfizer vaccine sa Ninoy Aquimp Internatinal Airport Terminal 3 (NAIA ) Terminal 3, na bahagi ng binili ng pamalaan.

Ayon Department of Health (DOH), mapupunta ang 862,290 doses ng Pfizer sa Metro Manila.

Samantalang, ilalaan naman ang 141,570 doses ng Pfizer sa Cebu at 64,350 doses para sa Davao.

Biyernes ng hapon, dumating naman ang 844,800 doses ng AstraZeneca sa NAIA Terminal 3.

Sa kabuuan, umabot na sa 90,619,530 doses ng bakuna ang dumating sa bansa.