Palasyo: LGUs wag makulit, negative test result di kailangan sa pagbiyahe

IGINIIT ni presidential spokesperson Harry Roque na dapat sundin ng mga lokal na pamahalaan ang ipinalabas na kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na hindi na kailangan ang negative test result ng mga bibiyahe sa loob ng bansa.


“Ang IATF resolutions po are resolutions adopted for and in behalf of the President in the exercise of police power. That’s binding on all unless you declare yourself to be an independent republic,” giit ni Roque.


Idinagdag ng opisyal na hindi bingi ang IATF sa mga oposisyon ng mga LGUs.


“Pero hanggang mag-decide po o baguhin ng IATF ang mga patakaran, kinakailangan ipatupad po muna,” aniya. –WC