PWEDE na rin hindi magsuot ng face mask sa mga open spaces sa Iloilo, ayon kay Governor Arthur Defensor Jr.
Gayunman, mananatili ang mandatory na pagsusuot ng mask sa mga establisimyento, pribado man o pampubliko, at sa mga transportasyon.
Niluwagan ng lalawigan ang polisiya sa pagsusuot ng mask matapos ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na papayagan na ang hindi pagsusuot ng mask sa mga open areas.
Bukod dito, patuloy na rin anyang bumababa ang kaso ng coronavirus disease sa probinsiya at hindi rin nagpapabaya ang lalawigan sa pagmomonitor.
Sa datos ng Iloilo, may 829 active COVID-19 cases ito mula sa 47,356 na naitala simula ng pandemya noong Marso 2020.