PINAPAYAGAN na ng pamahalaan ang hindi pagsusuot ng face mask sa mga uncrowded na open spaces sa buong bansa.
Ito ang nakapaloob sa Executive No. 3 na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ngayong Lunes, Setyembre 12, 2022.
Samantala, mananatili ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa hanay ng mga senior citizens at may comorbidites at mga indibidwal na walang bakuna laban sa coronavirus disease.
“The voluntary wearing of face masks in open spaces and non-crowded outdoor areas with good ventilation is hereby allowed, provided that not fully-vaccinated individuals, senior citizens and immunocompromised individuals are highly encouraged to wear their masks, and physical distancing will be observed at all times,” sabi ni Marcos sa kanyang EO.
Idinagdag ni Marcos na tuloy pa rin ang pagsusuot ng mask sa mga indoor na pribado at pampublikong establisimyento, kasama na ang mga pampublikong transportasyon, sa eroplano, sa mga sasakyang pandagat at sa mga outdoor setting na hindi nasusunod ang physical distancing.
Inatasan din ni Marcos ang lahat mg sangay ng pamahalaan, lokal na pamahalaan na sundin ang kautusan lalo na’t ilang LGU na ang nauna nang nagpalabas ng kani-kanilang regulasyon kaugnay ng hindi na mandatory na pagma-mask.