Pagre-resign ng mga doktor, nurse ng PGH, minaliit ni Roque

DEDMA si presidential spokesperson Harry Roque sa pagbibitiw at pagkakasakit ng mga doktor at nurse sa Philippine General Hospital.


Giit ni Roque, marami namang nagtatapos na maaaring pumalit sa mga ito.


“Well, patuloy po ang recruitment ng ating DOH para sa mga medical professionals na either volunteer or magsusuweldo po ‘no. Ang mabuting balita po ay marami naman po tayong mga bagong graduates, mga bagong pasang nurses,” paliwanag niya.


“Pagdating naman po sa mga doktor ay ayun nga po, ginagawa natin ang lahat para magsipagtapos ang ating mga doktor at magkaroon ng examination para hindi po tayo maubusan,” dagdag niya.


Matatandaang sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na nababahala siya sa dami ng mga nagbibitiw na doktor at nagkakasakit na mga nurse ng nasabing ospital. –WC