INAMIN ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na darating ang panahon na makakapasok sa bansa ang kinatatakutang Delta variant ng Covid-19.
“The DoH and th experts think that time will come when these variants will reach the community,” ani Vergeire.
“We can’t isolate our country from all of these countries with the variants. We have our people there. We can’t stop them from returning home,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan ay kumalat na ang mas nakahahawang Delta variant sa humigit-kumulang 100 bansa na nagresulta sa muling paglobo ng mga kaso ng impeksyon sa mundo.
Ang tanging magagawa ng pamahalaan ay paigtingin ang border control kontra sa Delta variant sa pamamagitan ng hanggang 10 araw na quarantine ng mga dumadarating sa bansa at ang travel ban sa pitong bansa, kabilang ang India kung saan una itong na-detect, ani Vergeire.
“We need to intensify our border controls. We think it’s effective because we were able to identify individuals with the Delta variant, isolate them and they have not entered the community,” dagdag niya.